© Theme
by ubhie
Iba ang feelling kapag ikaw ang kapiling!

07/31/12

HEAVEN! Haha. Grabe sobrang saya ko lang ngayon. Kasi naman kasi… Una, eto mga kabarkada ko sa room pinagatabi kami ng crush ko dun sa kinainan naming fast food chain. Kahit labag sa kalooban ko, labag nga ba talaga?! Wahahahaha! Kilig na kilig ako! Grabe ang hirap kumain pala kapag katabi mo yung crush mo! Bilang na bilang yung pagsubo ko. Parang di nga ako nabusog! Pero nabusog naman ako sa kanya <3 MAHAROT! Wahaha. Tapos etong mga kabarkada ko! Tinatanong yung crush ko, “Ano ba Cath? Magpag-asa ba talaga si Pol o wala? Sabihin mo na! Ayaw naming masaktan yung kaibigan namin eh. Lagot ka samin kapag sinaktan mo to -Classmate1” GRABE!!!! Nakakahiya talaga! Babae pa yung tinatanungan ng ganon! Parang tanga! HAHAHAHA. Tapos itatanong pa nila kung may pag-asa daw ba ako? Parang tanga talaga -.- Nakakainis! Buti hindi siya naiinis. Takte talaga yung mga kaibigan mo, pahamak sila kapag nanjan yung crush mo! Seryoso. Hahaha.

Pagkatapos nun hinatid na namin yung isa naming classmate sa LRT kasi may pupuntahan pa. Pagkatapos nun nagkantahan kami, e ang ganda ganda ganda talaga ng boses ng crush ko. Huhuhu. (Classmate ko din pala to. Kaya ang saya ko araw araw. Hahaha) Grabe! Naka-ilang kanta siya, tapos inaasar na nila kami! Trip na trip nila kami grabe kung ano anong tinatanong! Pinagtatabi pa nila kami! Hahaha. Tapos yung mga pinipiling kanta ng mga classmates namin, mga lovesong! Grabe! Hahaha. Haaaaaaaaaaysss. Ang saya ♥

July 31, 2012 • 19 notes


  1. kimlovesyoo reblogged this from akosipolpol and added:
    Ang saya basahin. nakakakilig din. :)))
  2. duchesska said: spell inlove. P-A-U-L :D HAHAHA
  3. akosipolpol posted this