© Theme
by ubhie
Recolletion

RE / COLLECT / ION
 
Again / To gather / Process = A process to gather again.


Nainis ako + natuwa.
Natuwa ako kasi nalabas ko lahat ng hinanakit ko, galit ko, at lahat lahat! Naiyak ko siya. Nainis ako kasi ang hapdi na ng mata ko. Ang arte. Haha. So yun, Nagsimula akong umiyak nung may pinapa-realize yung Speaker namin saming mag Cla-classmates. Pinapikit niya kami tapos pinagdasal. Pinagdadasal niya samin yung mga taong mahal namin sa buhay, which is yung Family namin. Tapos may mga sinasabi siya. Hindi ko namamalayan, na umiiyak na pala ako. Ang dami kong narealize dun sa mga sinasabi niya. “Mahal na mahal ko ang Pamilya ko Lord.” Eto ang huli katagang nasabi ko sa dasal ko. Pagkatapos nun, pinagawa niya kami ng Letter sa parents namin. Yung letter nayun, ibuhos na daw namin lahat ng pwede naming sabihin, yung mga bagay na matagal na naming gustong sabihin sa mga magulang namin pero hindi namin magawang masabi. Kasi natatakot kami. Kasi nahihiya kami at sa marami pang kadahilaan. Habang sinusulat ko yung letter na yun, ang daming luhang tumutulo sa mga mata ko. Ang saya saya sa pakiramdam. Nakakagaan. Feeling mo lulutang ka. Feeling mo lahat lahat lahat ng problema mo nawala na.

Pagkatapos niyan. Pinabuo niya kami ng malaking circle. Kailangan lahat daw kami nakapasok sa loob. Sinabi ng speaker namin na lapitan niyo yung Classmate niyo na. Ka tropa niyo, kabarkada niyo, kaibigan niyo, at lalong lalo na sa mga kaaway niyo. Siguro eto na yung tamang panahon na magpatawad kayo sa isa’t-isa. Unang kumausap sakin yung katabi ko. Si Mica, 4th honorable mention siya e. Ako 5th honorable mention (Wow yabang! Haha) Sinabi niya sakin habang umiiyak siya; Paul, Maraming salamat sa lahat ha?! Lalo na nung second year tayo. Yung mga electives time natin at marami pang iba. Tapos ni-hug ko siya. Sabi ko sa kanya, Nakakainis ka naman e! Bakit ba tayo umiiyak? Tapos yun. Ang dami na palang nag iiyak sa paligid ko. Halos lahat ng classmates ko umiiyak. Maski boys! Hindi mo aakalain na umiyak kaming lahat. Kasi naman, halos 4 years kaming magkakasama sa Highschool. Nasa Special Program kami. Kaya hindi naming mapigilang hindi umiyak sa isa’t-isa. Humingi kami ng maraming sorry at maraming thankyou sa isa’t-isa.

Siguro nga mag eend na yung buhay namin bilang Highschool. Pero alam naming may mas magandang nagiintay samin sa College. At dapat maging ready kami dito. Mami-miss ko ang itinuring kong KAIBIGAN, KAKLASE, KABARKADA, PAMILYA sa loob ng Skwelahan. Mahal na mahal ko sila at hinding hindi ko sila makakalimutan <3

March 10, 2012 • 44 notes


  1. akosipolpol reblogged this from akosipolpol and added:
    RE / COLLECT / ION Again / To gather / Process = A process to gather again. Nainis ako + natuwa. Natuwa ako kasi nalabas...
  2. thegirlwiiiththescars said: ganyan rin ho yung pinagawa samin nung recollection namin. ^^
  3. akosikdot said: DAMA KITA :’(
  4. akosikdot reblogged this from akosipolpol